Saturday, October 3, 2015

Secretly In Love

Image courtesy of  http://www.nanlawson.com/#/secretly-in-love/

She:

       Paulit-ulit mong kinukuwento sa akin kung gaano ka kasaya na nakilala mo siya. Paulit-ulit mong kinukuwento sa akin kung gaano ka kaswerte na dumating siya sa buhay mo. Paulit-ulit na lang. Paulit-ulit.
          Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakakwento mo sa akin ng mga ganyan? Nahihirapan na kasi ako. Napapagod na ako. Paulit-ulit mo na rin kasing sinasaksak ang puso ko. Paulit-ulit mo akong pinapatay.
         Ayaw ko na. Ayaw ko na ng ganito. Ayaw ko nang paulit-ulit na umiiyak mag-isa sa kwarto kasi hanggang sulyap lang ako sa'yo. Kasi hanggang pangarap lang ako sa'yo. Alam ko naman kasi na hanggang ganito na lang tayo. Tanggap ko naman kasi na hindi mo mapapansin ang isang tulad ko. Hindi mo mapapansin na all this time andito lang ako para sa'yo. Kasi hanggang kaibigan lang tingin mo sa akin. Hanggang dyaan lang. Kaibigan.



He:

         Palagi kong kinukwento sa'yo kung gaano ako kasaya na nakilala ko siya at kung gaano ako kaswerte na dumating siya sa buhay ko. Palagi ko ring nakikita sa mukha mo na  masaya ka para sa akin. Kahit hindi ko sinasabi kung sino iyong babae, masaya ka pa rin. Walang bahid nang lungkot o selos. Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko masabi-sabi sa'yo na ikaw iyong babaeng iyon. Ikaw iyong tinutukoy ko. Ikaw iyong mahal ko.
         Hindi mo rin ba ako gusto? Ayaw kong malaman kasi natatakot akong masaktan sa sagot mo. Halata naman na hindi mo ako gusto. Para sa'yo kaibigan lang ako.